Si Tracey Betts ay naitalaga bilang Director ng VA Manila Regional Benefit Office and Outpatient Clinic noong Hunyo 24, 2018. Ang Tanggapan sa Manila ay nag-iisang opisina ng Department na matatagpuan sa ibang bansa; samakatuwid, si Bb. Betts ay naglilingkod bilang United States Attaché for Veterans Affairs sa Embassy ng Estados Unidos sa Pilipinas. Sa tungkuling ito, si Bb. Betts ay nagkakaloob ng executive direction sa 164 na mga empleyado na namamahala ng medikal at di-medikal na mga benepisyo sa mga Veteran, sa mga dependent nito, at sa kanilang mga naiwan na naninirahan sa Pilipinas para maisama ang kabayaran sa kapansanan, pension, edukasyon, vocational rehabilitation at ang mga benepisyo para sa Filipino Veterans Equity Compensation (FVEC) benefits. Ang buwanang perang kabayaran na may total na $17.5 milyon para sa humigit-kumulang na 16,000 mga beneficiary sa kabuuan ng Pilipinas. Ang klinika ay nagkakaloob ng maraming mga mapagpipiliang mga medikal na serbisyo para sa outpatient para sa mga karapat-dapat na Veteran. Ang mga serbisyo ng VA ay ipinagkakaloob nang hindi hihigit sa budget sa pamamahala na $16 milyon.
Si Bb. Betts ay mayroong higit sa 35 taong karanasan sa Veterans Benefits Administration, dulot na rin ng pagtatrabaho sa parehong field at headquarter na antas. Sinimulan niya ang kaniyang career noong 1983, bilang isang clerk typist sa Houston Regional Office, na lumaon ay nag-transisyon sa VA Central Office bilang Systems and Procedures Analyst sa Office of Financial Management na nagbabalangkas ng pinansiyal na patakaran. Si Bb. Betts ay nagtrabaho bilang isang mentor para sa Presidential Management Fellows at Leadership Development Programs.
Si Bb. Betts ay ipinanganak sa Guam at lumaki sa Wake Island at Kwajalein. Siya ay isang katutubong graduate ng Hawaii ng Kamehameha Schools. Si Bb. Betts ay may dalawang adultong mga anak at naninirahan sa Manila kasama ang kaniyang asawa na si Charles.
Si Kevin J. McAllister ay naging Assistant Director ng VA Manila Regional Benefit Office noong ika-16 ng Setyembre 2018. Ang Tanggapan sa Manila ay ang nag-iisang opisina ng Department na matatagpuan sa ibang bansa; at samakatuwid, si G. McAllister ay naglilingkod bilang isang Embassy Officer para sa Embassy ng Estados Unidos sa Pilipinas. Bilang Assistant Director, si G. McAllister ay may responsibilidad para sa 173 na mga empleyado na namamahala ng medikal at di-medikal na mga benepisyo sa mga Veteran, sa mga dependent nito, at sa kanilang mga naiwan na naninirahan sa Pilipinas para maisama ang kabayaran sa kapansanan, pension, edukasyon, vocational rehabilitation at ang mga benepisyo para sa Filipino Veterans Equity Compensation (FVEC) benefits. Ang buwanang perang kabayaran na may total na $20 milyon para sa humigit-kumulang na 19,000 mga beneficiary sa kabuuan ng Pilipinas. Ang klinika ay nagkakaloob ng maraming mga mapagpipiliang mga medikal na serbisyo para sa outpatient para sa mga karapat-dapat na Veteran. Ang mga serbisyo ng VA ay ipinagkakaloob nang hindi hihigit sa budget sa pamamahala na $18.7 milyon.
Si Kevin ay may higit sa 22 taong pederal na serbisyo at sinimulan niya ang kaniyang career sa Veterans Benefits Administration (VBA) noong 2008, bilang isang Loan Specialist sa Loan Guaranty Service ng VBA sa Specially Adapted Housing Programs policy and procedures division sa VBA Central Office, Washington, DC. Siya ay nag-transisyon sa Office of Management bilang Management and Program Analyst noong Marso ng taong 2012. Sa ganitong tungkulin ay naglingkod siya bilang isang senior advisor sa Director, ng Office of Management na nagsusuporta sa mga area ng Employee Development at Training, Acquisition, Administration and Facilities, Human Resources. Sa loob ng ilang mga taon ay nagtrabaho rin siya sa mga detalye bilang Acting Office of Administration and Facilities (2018), Acting Deputy Director for the Office of Management (2016), Acting Deputy Director for the Office of Field Operations (2015), at Acting Chief of Administrations (2014). Si Kevin ay mayroong higit sa 18 taong pederal na karanasan. Siya ay nasa Veterans Benefits Administration sa loob na ng 6 na taon. Bago maging isang Management and Program Analyst para sa Office of Management, siya ay nagtrabaho bilang Loan Specialist sa Loan Guaranty Service sa Specially Adapted Housing Programs policy and procedures department sa VBACO.
Si G. McAllister ay ipinanganak sa St. Paul, Minnesota at may tatlong adultong mga anak. Kasalukuyan siyang naninirahan sa Manila kasama ang kaniyang asawa na si Lucenia “Vicky” na ipinanganak sa Pilipinas. Si G. McAllister ay naglingkod ng apat na taon sa U.S. Marine Corps at anim na taon sa U.S. Army.
Si Vicki Randall ay naging Tagapangasiwa ng Klinika ng VHA Outpatient Clinic sa Maynila sa Pilipinas noong Hulyo 15, 2012. Nagsimula si Bb. Randall sa kanyang karera sa VA noong Enero 2000.
Bago ang kanyang pagtatalaga sa Maynila, si Bb. Randall ay nagsilbing Espesyalista sa Health Systems para sa Hepe ng Tauhan sa Lungsod ng Oklahoma sa VA Medical Center mula Hulyo 2005 hanggang Hulyo 2012. Noong 2010, ang Direktor ng Medical Center ay nagpalawak ng kanyang mga tungkulin at detalyado si Bb. Randall na magsilbi bilang contract liaison sa pagitan ng VISN, tauhan ng lokal na kumukontrata at pamunuan ng medical center. Responsable siya sa pagsusuri ng mga kahilingan sa kontrata ng medical center, mga serbisyo, supply, kontrata ng mga nursing home, at mga outpatient clinic na nakasentro sa komunidad.
Kabilang sa karagdagang responsibilidad ang paglilipat ng kontrata sa FTE at kinilala niya ang mga oportunidad upang bawasan ang gastos sa pagbili ng mga kagamitang pang-emergency,serbisyo at pagkukumpuni. Mula Enero 2000 hanggang Hulyo 2005, nagsilbi siya bilang Coordinator ng Edukasyon kung saan binuo niya ang programa sa unang edukasyon para sa VA Medical Center sa Lungsod ng Oklahoma. Pinamunuan niya ang Komite ng Edukasyon ng VISN 16, tumulong sa pag-unlad ng Emerging VA Leadership Program (EVAL), ang Leadership Development Institute (LDI) at Mga Programa sa VISN 16 Cornerstone Supervisory Training. Pinamunuan niya ang maraming lokal, panrehiyon at pambansang komite. Namuno siya sa maramihang espesyal na proyekto, nagsilbi bilang Pansamantalang Hepeng Opisyal ng Logistics, Pansamantalang Kaugnay na Direktor at Pansamantalang Direktor ng Medical Center.
Bago ang pagsali sa VA, nagsilbi siya bilang Direktor ng Akademiko at mga Serbisyo sa Mag-aaral sa Health Sciences Center ng Unibersidad ng Oklahoma.
Nagtapos si Bb. Randall ng Bachelor of Science in Health Services Administration mula sa Unibersidad ng Lungsod ng Oklahoma at Master's in Education in Adult and Higher Education Administration mula sa Unibersidad ng Oklahoma.
Si Bb. Randall ay kasal, may tatlong anak at limang apo. Nakatira siya kasama ng kanyang asawang si Rick sa Lungsod ng Makati sa Pilipinas.
Si Paul ay isang veteran ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos at mula sa isang militar na pamilya. Ang kaniyang ama ay isang beterano sa Vietnam at ang kaniyang Lolo ay naglingkod sa World War II.
Si Paul ay may matagal na kasaysayan ng mga naglingkod na beterano. Inumpisahan niya ang kaniyang career bilang isang County Veterans Service Officer sa Stokes County, North Carolina kung saan siya ipinanganak at lumaki. Napili siya bilang National Assistant Director of Membership at Internal Affairs para sa American Legion. Makalipas na bumiyahe sa bansa, si Paul ay bumalik sa North Carolina at naglingkod bilang isang District Service Officer sa North Carolina Division of Veterans Affairs sa tanggapan ng Charlotte North Carolina. Di nagtagal, siya ay napili para maging State Service Officer para tumulong sa mga beterano sa kanilang mga claim at apela. Ang oportunidad na ito ay ginawang mas kabilang si Paul sa proseso ng pagsisilbi sa mga beterano dahil ang tanggapan ay nasa parehong lokasyon ng VA Regional Office sa Winston-Salem, North Carolina.
Inumpisahan ni Paul ang kaniyang career sa VA bilang isang Veteran Service Representative sa Winston-Salem Regional Office noong Hulyo 2007. Nakuha niya ang titulong Certified Veterans Service Representative (Authorizer) bago siya matalaga sa pangasiwaan bilang Assistant Coach, Coach, at Acting Assistant Veterans Service Center Manager. Kabilang sa kaniyang mga kadalubhasaan ay ang Post-Determination, Training, Quick Start, IPC, VSC Core, at Non-Rating Teams.
Ang iba pang mga natamong tagumpay ni Paul ay kinabibilangan ng paglalahok sa Winston-Salem Regional Office local Leadership Development Program; bilang miyembro ng pambansang Pre-Discharge Redesign Committee, na kumakatawan sa Winston Salem; miyembro ng VBMS Requirements group para sa Pre-Discharge; at napili bilang isang miyembro ng Innovation Committee ng Director. Si Paul ay may malawak na background sa pagpaplano at pagdadalo sa mga outreach event ng mga beterano.
Si Paul ay isang graduate ng Indiana Wesleyan University na nakatapos ng Bachelor of Science in Management.
Nagreport si Christian Mejia sa Manila Regional Office & Outpatient Clinic bilang Hepe ng Support Services Division (SSD) noong Enero 23, 2017. Nagsisilbi siya bilang Hepe ng Pananalapi sa estasyon, Tagapagpatupad, Logistik, at Suporta sa Mga Pasilidad para sa mga operasyon ng VBA at VHA.
Bago ang kanyang kasalukuyang posisyon, nagsilbi si G. Mejia bilang Systems and Procedures Analyst sa Tanggapan ng Resource Management sa Sentrong Tanggapan ng VA. Sa posisyong ito, nagbigay siya ng tulong sa pinansiyal na patakaran at programang pangangasiwa sa iba’t ibang antas ng organisasyon. Pinangasiwaan ni G. Mejia ang travel card at mga travel policy program sa buong VBA, at nagbigay ng tulong sa mga grupo ng tagatiyak sa kalidad sa oras ng pagbisita sa lugar ng VBA. Kasama sa iba pang mga responsibilidad ni Christian ang pagtulong sa pagsisikap ng VBA na bawasan ang hindi angkop na pagbabayad alinsunod sa Batas Sa Pagtanggal At Pagbawi ng Hindi Angkop Na Pagbabayad o Improper Payments Elimination and Recovery Act (IPERA), pagtulong sa programa ng pagbili ng card sa buong VBA, at pagsisilbi bilang Eksperto sa Paksa ng mga grupong nagtatrabaho sa pagsulat muli ng patakarang pinansiyal sa buong VA.
Nagsimula sa G. Mejia sa kanyang karera sa Veterans Benefits Administration noong 2006 sa Panrehiyong Tanggapan sa Seattle, at tinanggap ang posisyon sa Finance and Accounting bago maging Administratibong Opisyal. Sa posisyong ito, sinuportahan niya ang pinansyal na polisiya at proseso ng implementasyon at pangangasiwa. Pinangasiwaan ni Christian ang maramihang programa at proyekto sa RO kabilang ang lokal na implementasyon ng mga pinansiyal na sistema, administratibong sistema, at mga proyekto ng maliliit ng konstruksyon at pagdidisenyo ng espasyo.
Si G. Mejia ay nagtapos ng 2011 VBA Leadership Enhancement and Development (LEAD) na Programa, at nakumpleto ang Programa ng Pagsasanay sa Kakayahang Mangasiwa sa VHA VISN 20. Mayroon siyang Bachelor’s Degree sa Finance sa Unibersidad ng Seattle at kasalukuyang ipinagpapatuloy ang kanyang Master’s Degree sa Public Administration. Sa kanyang libreng oras, nasisiyahan si Christian sa paglalakbay kasama ang kanyang asawa at dalawang anak, at nananatiling aktibo sa lokal na komunidad ng Brazilian Jiu-Jitsu.